oo naman. para masaya. tagu-taguan. :DTuesday, February 23, 2010
Ayan ka na naman.. nangaasar.
YAN. Yan ang mga salitang nagpahinto sakin sa pagiisip sa'yo. OO,IKAW NA NAMAN!!Bumulusok ang matinding pulang ilaw. May pito pa. Tumigil na daw ako.Eff. I thought of you again.
Dahil ba naman, nagaaral ako para sa major exam ko bukas.PS 150 - Public Administration. PUBLIC ADMINISTRATION na yun ha! at ikaw padin ang pumasok sa isip koooooo. EFF.
Ayoko naaaa. Nangako na ko sa sarili kong titigil na ko sa pagsulat ng mga articles na ganito ang tema.
Para na kasing napupuno ng "Maalaala mo Kaya" articles 'tong blog ko.
Eh hindi naman ako si Charo.
AT HINDI NAMAN NAGING TAYO.
Nakakainis naman kasi. Bakit kailangan na maaalala na lang kita bigla sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko.
At heto na naman ako ngayon, nakatingin sa screen habang tina-type ang mga salitang gusto kong sabihin sa'yo.
Alam mo bang hindi ko sinusulat ang mga taong hindi mahalaga sa'kin. HA?! (Clue! Clue!) Nakakainis ka.
NAKAKAINIS KA. BOLD. FONT 72. UNDERLINE. GUSTO MO COLOR RED PA. NAKAKAINIS KA.
At alam mo ba kung ano pa ang mas nakakainis? Kaya mo kong tiisin.
Nakakainis ka... nakakainis na ako lang ang nakaka-alala.
Eh paano ba naman ako makakalimot? Sige nga.
Yung katabi ko dito sa dorm, tawa ng tawa habang may kausap sa telepono. EFF.
Yung blockmate ko, makakatanggap siya ng regalong halos katulad ng binigay mo sa'kin. EFF.
At yung kantang "prinsesa" ng 6cyclemind, ringtone ko 'yun dati. FYI.
At kapag naririnig ko yun, naaalala ko kung pano, dati, gabi-gabing nagriring ang telepono ko. EFF.
Sige nga. Nakakainis naman kasi.
At ayokong ilista pa lahat ng pwede kong maalala dahil lalo lang akong naiinis.para naman kasing nililista ko lahat ng beses na naaalala ko yung dati.
Eh di ba nga, red light na. Huminto na daw ako.
At buong buhay ng naka-red yan. Sira na nag traffic light. Kurakot kasi ang gobyerno.
At ayoko ng naaalala ka. Para naman kasi akong t*nga.
Oh siya siya, nasabi ko na. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng gusto kong sabihin sa'yo.
Walang arte, walang ekek, walang kung ano man. Straight to the point - Naiinis ako sa'yo.
Ang tapang ko no? Syempre, dahil dito.. alam kong hindi mo mababasa.*evil laugh*
Dito, masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin ng walang tititig sa'kin at mangkukutya.
Dito, ako ang bida. Ikaw naman ang kontrabida. :D
OHA. Ayaw mo nun? Magkasama pa rin tayong dalawa..
WAG NAAAAAAAA.
P.S. EFF. I wrote about you again. *sigh*
Tuesday, February 16, 2010
TRiP :)
It sucks when you feel
nostalgic at times.
And it sucks even more when there's no one to hug you
and make you feel okay
or make you laugh until your stomach
hurts.
Alam mo yung feeling na gusto mo lang ilabas lahat-lahat ng tinatago mo sa loob mo. AT HINDI JEBS YUN.
Gusto mo lang ilabas yung mga nararamdaman mong hindi mo ma-explain. Mga feelings na basta. Panggulo lang.
Naniniwala ako na "healthy" kung tutuusin ang pagluha. Hindi pag-iyak. O hagulgol na akala mo binagsakan ng langit at lupa. Feeling mo naman.
Luha lang. Saglit na emote. Sapat para ilabas lahat hindi mo kayang maipahayag sa salita. AT HINDI PA RIN JEBS YUN.
Dahil kung tutuusin, may mga pagkakataong kulang ang kung ano mang salita para masabi mo yung totoong nararamdaman mo.
Hindi naman kasi lahat ng tao kasing-galing ng isang teacher na mag-explain. At hindi lahat ng nararamdaman mo ay kayang aralin sa apat na taon.
Kaya, normal lang na may mga emosyon na, kahit ikaw mismo, eh hindi mo maintindihan.
Eh ano na ang gagawin mo? Alangan naman amuyin mo diba. Eh di iluha mo nalang. Pwede din ikain mo. Sabay jebs pagtapos.
Lalo na pag mag-isa ka lang. Hindi pag-jebs, kundi pagluha.
Mas feel mo lang mag-emote tapos may background music ka pa na mellow. Yun ang effort, parang music video.
Siguro dahil na din sa mga lyrics ng kanta, dun mo nalalabas lahat ng di mo kayang sabihin.
Dahil wala kang lakas ng loob na sabihin, o dahil wala ka lang talagang masabihan.
oo nga pala, mag-isa ka lang.

"Bilanggo sa rehas na gawa ng puso mo.."
o kaya,
"I'll never go far away from you.."
o pwede din na,
"Ikaw lamang ang aking minamahal.."
o kung trip mo talaga,
"bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna. sasayaw ng cha-cha ang saya-saya."
BOOM TIYAYA! BOOM TIYAYA! BOOM! BOOM! BOOM!
Basta.
wala namang nagsabing bawal umiyak pag nalulungkot ka.
At wala din namang nagsabing bawal kang malungkot paminsan-minsan.
Kanya-kanyang buhay, kanya-kanyang trip.
Pero kung trip mo talagang jumebs, c.r ninyo naman yan. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)