oo naman. para masaya. tagu-taguan. :DTuesday, February 23, 2010
Ayan ka na naman.. nangaasar.
YAN. Yan ang mga salitang nagpahinto sakin sa pagiisip sa'yo. OO,IKAW NA NAMAN!!Bumulusok ang matinding pulang ilaw. May pito pa. Tumigil na daw ako.Eff. I thought of you again.
Dahil ba naman, nagaaral ako para sa major exam ko bukas.PS 150 - Public Administration. PUBLIC ADMINISTRATION na yun ha! at ikaw padin ang pumasok sa isip koooooo. EFF.
Ayoko naaaa. Nangako na ko sa sarili kong titigil na ko sa pagsulat ng mga articles na ganito ang tema.
Para na kasing napupuno ng "Maalaala mo Kaya" articles 'tong blog ko.
Eh hindi naman ako si Charo.
AT HINDI NAMAN NAGING TAYO.
Nakakainis naman kasi. Bakit kailangan na maaalala na lang kita bigla sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko.
At heto na naman ako ngayon, nakatingin sa screen habang tina-type ang mga salitang gusto kong sabihin sa'yo.
Alam mo bang hindi ko sinusulat ang mga taong hindi mahalaga sa'kin. HA?! (Clue! Clue!) Nakakainis ka.
NAKAKAINIS KA. BOLD. FONT 72. UNDERLINE. GUSTO MO COLOR RED PA. NAKAKAINIS KA.
At alam mo ba kung ano pa ang mas nakakainis? Kaya mo kong tiisin.
Nakakainis ka... nakakainis na ako lang ang nakaka-alala.
Eh paano ba naman ako makakalimot? Sige nga.
Yung katabi ko dito sa dorm, tawa ng tawa habang may kausap sa telepono. EFF.
Yung blockmate ko, makakatanggap siya ng regalong halos katulad ng binigay mo sa'kin. EFF.
At yung kantang "prinsesa" ng 6cyclemind, ringtone ko 'yun dati. FYI.
At kapag naririnig ko yun, naaalala ko kung pano, dati, gabi-gabing nagriring ang telepono ko. EFF.
Sige nga. Nakakainis naman kasi.
At ayokong ilista pa lahat ng pwede kong maalala dahil lalo lang akong naiinis.para naman kasing nililista ko lahat ng beses na naaalala ko yung dati.
Eh di ba nga, red light na. Huminto na daw ako.
At buong buhay ng naka-red yan. Sira na nag traffic light. Kurakot kasi ang gobyerno.
At ayoko ng naaalala ka. Para naman kasi akong t*nga.
Oh siya siya, nasabi ko na. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng gusto kong sabihin sa'yo.
Walang arte, walang ekek, walang kung ano man. Straight to the point - Naiinis ako sa'yo.
Ang tapang ko no? Syempre, dahil dito.. alam kong hindi mo mababasa.*evil laugh*
Dito, masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin ng walang tititig sa'kin at mangkukutya.
Dito, ako ang bida. Ikaw naman ang kontrabida. :D
OHA. Ayaw mo nun? Magkasama pa rin tayong dalawa..
WAG NAAAAAAAA.
P.S. EFF. I wrote about you again. *sigh*
Tuesday, February 16, 2010
TRiP :)
It sucks when you feel
nostalgic at times.
And it sucks even more when there's no one to hug you
and make you feel okay
or make you laugh until your stomach
hurts.
Alam mo yung feeling na gusto mo lang ilabas lahat-lahat ng tinatago mo sa loob mo. AT HINDI JEBS YUN.
Gusto mo lang ilabas yung mga nararamdaman mong hindi mo ma-explain. Mga feelings na basta. Panggulo lang.
Naniniwala ako na "healthy" kung tutuusin ang pagluha. Hindi pag-iyak. O hagulgol na akala mo binagsakan ng langit at lupa. Feeling mo naman.
Luha lang. Saglit na emote. Sapat para ilabas lahat hindi mo kayang maipahayag sa salita. AT HINDI PA RIN JEBS YUN.
Dahil kung tutuusin, may mga pagkakataong kulang ang kung ano mang salita para masabi mo yung totoong nararamdaman mo.
Hindi naman kasi lahat ng tao kasing-galing ng isang teacher na mag-explain. At hindi lahat ng nararamdaman mo ay kayang aralin sa apat na taon.
Kaya, normal lang na may mga emosyon na, kahit ikaw mismo, eh hindi mo maintindihan.
Eh ano na ang gagawin mo? Alangan naman amuyin mo diba. Eh di iluha mo nalang. Pwede din ikain mo. Sabay jebs pagtapos.
Lalo na pag mag-isa ka lang. Hindi pag-jebs, kundi pagluha.
Mas feel mo lang mag-emote tapos may background music ka pa na mellow. Yun ang effort, parang music video.
Siguro dahil na din sa mga lyrics ng kanta, dun mo nalalabas lahat ng di mo kayang sabihin.
Dahil wala kang lakas ng loob na sabihin, o dahil wala ka lang talagang masabihan.
oo nga pala, mag-isa ka lang.

"Bilanggo sa rehas na gawa ng puso mo.."
o kaya,
"I'll never go far away from you.."
o pwede din na,
"Ikaw lamang ang aking minamahal.."
o kung trip mo talaga,
"bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna. sasayaw ng cha-cha ang saya-saya."
BOOM TIYAYA! BOOM TIYAYA! BOOM! BOOM! BOOM!
Basta.
wala namang nagsabing bawal umiyak pag nalulungkot ka.
At wala din namang nagsabing bawal kang malungkot paminsan-minsan.
Kanya-kanyang buhay, kanya-kanyang trip.
Pero kung trip mo talagang jumebs, c.r ninyo naman yan. :)
Saturday, February 13, 2010
Monday, January 11, 2010
"Bes"
ANO ANG MAHIRAP?
pag "bes" mo siya, pero hindi lang hanggang doon ang gusto mo.
pag true love waits ka, pero gusto mong maging kayo.
pag alam mo ring gusto niyang maging kayo, pero true love waits ka.
pag gusto mong tumigil ang oras pag kasama mo siya, pero kailangan mo na umuwi dahil gabi na.
pag tinititigan ka niya at gusto mo ring tingnan siya, pero madaming nakatingin.
pag ngumingiti siya sa'yo, at lalo kang nahuhulog.
pag nagtetext siyang namimiss ka na niya, at hindi ka na makahinga.
pag sobrang kinikilig ka na, pero di mo pinapakita sa takot na lalo siyang umasa.
pag sabay kayong naglalakad, at ang awkward ng pakiramdam.
pag nakatayo siya sa tabi mo, at gusto mong hawakan ang kamay niya katulad ng napapanood mo sa palabas.
MAHIRAP..
noong sinabi niyang mahal ka niya, pero nilihis mo lang ang tingin mo dahil alam mong mali.
noong nasabi mo nang wala siyang pag-asa, pero ang totoo - meron.
noong hinihintay mo ang text niya, kahit isang buwan na siyang 'di nagpparamdam.
noong napagod na siyang maghintay, pero umaasa ka pa ding walang nagbago.
MAHIRAP..
pag naririnig mo ang kantang "Nothing's gonna stop us now", at naaalala mo siya - at kung paano natigil ang lahat.
pag nakita mo siya pagkatapos ng ilang buwan, at mas awkward na.
pag naiisip mo na sana "bes" na lang ang tingin niya sayo, pero sa isang banda eh ayaw mo rin.
pag gusto mong sabihing gusto mo din siya, pero di mo magawa dahil sa dikta ng panahon.
pag alam mo lang na mali, pero natatakot kang tapusin.
pag bigla mo siyang naaalala, at manghihinayang ka.
pag naka-yellow siya.
pag hinahawakan niya yung buhok niya.
pag minsang tinatawagan ka niya pag gabi.
pag may narinig kang tumawag ng "bes", at lilingon ka para makita ang taong pinapangarap mong maging sa'yo.

Siya at Ako
paano mo bibitawan ang isang bagay na buong buhay mo ng pinanghawakan?
paano ka magpapaalam sa isang taong buong buhay mo ng nakasama?
paano mo bubuuin ang sarili mo kung ang mismong bumuo sa pagkatao mo ang nawala?
paano mo tatanggapin ang katotohanang lahat ng pagkakataong magkasama kayo ay pahiram lang sayo?
magiging katulad pa rin ba ng dati kung may nagbago na?
at sa bawat paggising mo'y ramdam mong iba ang sikat ng araw para sa'yo..
paano nga ba muling gumising na parehong ngiti ang kukurba sa iyong labi?
paano ba magpatuloy kung sa isang iglap magiba ang lahat?
paano ba maging kumpleto kung may lumisan?
paano ba magpasalamat sa taong nagalis ng pinakaimportanteng tao sa buhay mo?
paano ba muling bumangon?
..kung nahulog kang sugatan at ang mismong taong inaasahan mong sumalo sa'yo ay kailan ma'y di ka na babalikan.
paano magpatuloy?
kung yung taong sa bawat pagdapa mo, siya ang tumulong sa'yo para muling tumayo..
yung taong sa bawat pagkanta mo, siya ang unang pumapalakpak..
yung taong sa bawat pagiyak mo, siya ang unang nagsasabing "tahan na"..
yung taongsa bawat pagtawa mo, siya ang unang napapangiti..
yung taong sa bawat pagtulog mo, siya ang huli mong nakikita..
ang mismong nawala?
sa unang hakbang mo, siya ang unang napatakip sa bibig at kinabahan na baka matumba ka..
sa unang pagbigkas mo ng salita, siya yung unang napaluha sa tuwa..
sa unang parangal na natanggap mo, siya yung unang nagsuot sa'yo..
sa unang beses na nagkaroon ka, siya yung unang nakaalam..
sa tuwing uuwi ka ng gabi, siya yung naghihintay para pagbuksan ka kahit madaling araw na..
sa tuwing lalabas ka, siya yung walang tigil na magtatanong kung nasaan ka na..
sa tuwing hindi ka makatulog, siya yung magtitimpla ng gatas mo habang sa kanya naman ay kape..
sa tuwing magkakasakit ka, siya yung hindi papasok sa trabaho para lang bantayan ka..
sa isang pagkakataong nakatulog ka, siya yung pumatay ng ilaw ng kwarto mo pagtapos kang kumutan..
sa isang pagkakataong nahimatay ka, siya yung napaiyak sa sobrang takot..
sa isang pagkakataong kailangan mong pumasok ng maaga, siya yung gumising sa'yo at naghatid sa eskwelahan..
sa isang pagkakataong naaagrabyado ka, siya yung makikipagaway para ipagtanggol ka..
siya yung pumilit sa'yo kumain ng ampalaya at okra, para lumakas ka..
siya yung pumalo sa'yo noong minsang nagkamali ka, para matuto ka..
siya yung nagbawal sa'yo magpaligaw, para pahalagaan ang pag-aaral mo..
ikaw yung.. humingi sa kanya, at kahit huling kagat nalang, binigay niya pa sa'yo.
ikaw yung.. hindi bumati ng "happy mother's day", pero hindi niya pinaalala.
ikaw yung.. mas piniling magkwento ng problema sa mga kaibigan kaysa sa kanya, pero inintindi niya.
"matulog ka naman.." ang sabi niya noong naglamay ka para sa exam.
"sige, basta magingat." ang sabi niya noong minsang nagpaalam ka para lumabas.
"ang vitamins mo ha.." ang sabi niya noong kailangan mong magpuyat.
"basta magpray ka lang palagi.." ang sabi niya noong nalulungkot ka.
kasabay ng taon ng paglaki mo, ay sabay ng taon ng pagtanda niya.
kasabay ng bawat araw na lumilipas, ay sabay ng pagdami ng hibla ng puting buhok sa kanyang anit.
kasabay ng pagdaan ng araw, buwan, at taon, ay sabay ng realidad na hindi lang kalabaw ang tumatanda.
paano kung kukunin na siya ng nagmamay-ari sa kanya?
paano bumitaw sa pagkapit?
at kung wala na, paano ibaba ang umaasa pa ring mga kamay na babalik ang dati?
paano ba lunukin ang realidad sa dikta ng panahon?
mananalo ka ba sa bilis ng oras?
matatalo mo ba ang pinakamakapangyarihan?
kung ang armas mo ay pagmamahal, may mangyayari ba?
kung luluhod ka at magmamakaawa ng isa pang pagkakataon, pagbibigyan ka ba?
gustuhin mo man ng isa pang pagkakataon para sa mga di nasabing salita at di natuloy na yakap,
gustuhin mo man ng isa pang araw na siya ang gigising sa'yo para magalmusal,
gustuhin mo man ng isa pang gabing siya muli ang magpapatay ng ilaw para sa'yo,
gustuhin mo man ng isa pang text na magsasabing umuwi ng maaga dahil marami ng loko-loko sa labas,
gustuhin mo man ng isa pang saglit na kwentuhan at kamustahan sa lamesa,
gustuhin mo man ng isa pang pagbati ng "happy birthday!" sabay ng isang matipid na ngiti,
hindi ka na mapagbibigyan.
dahil kailan man, hindi mo magagalaw ang normal na paglakad ng oras.
at kapag nag-alarm na, wala ng snooze.

Thursday, July 30, 2009
Copy-Paste. :)

please.
please.
kahit pa siguro milyong pagmamakaawa sa utak ko, eh hindi pa rin siya aalis sa isip ko.
sa ngayon, hindi rin ako makapaniwalang nagsusulat na naman ako ng tungkol sa kanya. Ayaw ko.
Ayaw kong balang araw na mabasa ko 'to uli, makokornihan ako at mahihiya. Baka rin, manghinayang.
Ayaw ko. eeeh! Ayaw ko talaga. Parang kadiri, HAHAHA. Bakit nga ba?
Kasi pilit kong sinasabi sa lahat na "hindi".
Kasi pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na wala lang.
Kasi pilit kong pinapasok ang scientific approach na hormones lang 'to.
Kasi kahit sa sarili ko, hindi ko kayang maging totoo.
Kasi kahit sarili ko na mismo nagsasabi na totoo.
Kasi ayaw ko pa rin. Eh sa makulit ako eh! :P
: ilang oras na ang lumipas at hindi ako sigurado kung pati ako naiisip niya.
Pero, alam kong sigurado akong naiisip ko siya. Kanina pa. Kaninang umaga pa.
Habang nagttype ako sa computer, hanggang pagkain ko, hanggang sa paglakad ako, hanggang ngayon.
Hanggang ngayon.
Yung isang buong araw na magkasama kami at hindi nagusap.
Yung isang buong araw na tumitig lang siya at nahiya lang ako.
Ayaw ko pero yun ang isa sa mga minutong ayaw kong umalis, mga sandaling natatakot akong lumipas.
Namis ko siya. Namis ko yung dati. Yung walang awkward. Yung walang pagitan. Chill lang.
Gusto ko siyang kausapin. Magtanong kung kamusta na siya. Kung kamusta na sila. Pero di ko nagawa.
Gusto ko siyang magkwento. tungkol sa bago niyang buhay. tungkol sa kanya. Pero nahiya ako.
Gusto kong sabihing namis ko siya. At hormones lang 'to. Pero pinili kong tumahimik.
Ang tanging nagawa ko lang.. tumawa. piliting maging masaya kahit puro tanong ang nasa isip ko.
Wala ka bang sasabihin? Kamusta ka na? Kamusta kayo? Masaya ka na siguro? Masaya ka na dapat.
Gusto ko siyang awayin. Yun na lang ang magagawa ko.
Dahil para siyang nagdisappear sa buhay ko. Ginulat niya ko. HAMPAS.
Dahil di niya man lang naalala ang birthday ko. HAMPAS.
Dahil hindi man lang siya nagkwento tungkol sa kanila. HAMPAS.
Dahil ayaw niyang umalis sa isip ko, kahit gusto ko. HAMPAS.
Dahil hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot pag naiisip ko siya. HAMPAS sa sarili ko. Aray.
Baka nga namis ko siya. Baka nga sobra.
Subscribe to:
Posts (Atom)