
please.
please.
kahit pa siguro milyong pagmamakaawa sa utak ko, eh hindi pa rin siya aalis sa isip ko.
sa ngayon, hindi rin ako makapaniwalang nagsusulat na naman ako ng tungkol sa kanya. Ayaw ko.
Ayaw kong balang araw na mabasa ko 'to uli, makokornihan ako at mahihiya. Baka rin, manghinayang.
Ayaw ko. eeeh! Ayaw ko talaga. Parang kadiri, HAHAHA. Bakit nga ba?
Kasi pilit kong sinasabi sa lahat na "hindi".
Kasi pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na wala lang.
Kasi pilit kong pinapasok ang scientific approach na hormones lang 'to.
Kasi kahit sa sarili ko, hindi ko kayang maging totoo.
Kasi kahit sarili ko na mismo nagsasabi na totoo.
Kasi ayaw ko pa rin. Eh sa makulit ako eh! :P
: ilang oras na ang lumipas at hindi ako sigurado kung pati ako naiisip niya.
Pero, alam kong sigurado akong naiisip ko siya. Kanina pa. Kaninang umaga pa.
Habang nagttype ako sa computer, hanggang pagkain ko, hanggang sa paglakad ako, hanggang ngayon.
Hanggang ngayon.
Yung isang buong araw na magkasama kami at hindi nagusap.
Yung isang buong araw na tumitig lang siya at nahiya lang ako.
Ayaw ko pero yun ang isa sa mga minutong ayaw kong umalis, mga sandaling natatakot akong lumipas.
Namis ko siya. Namis ko yung dati. Yung walang awkward. Yung walang pagitan. Chill lang.
Gusto ko siyang kausapin. Magtanong kung kamusta na siya. Kung kamusta na sila. Pero di ko nagawa.
Gusto ko siyang magkwento. tungkol sa bago niyang buhay. tungkol sa kanya. Pero nahiya ako.
Gusto kong sabihing namis ko siya. At hormones lang 'to. Pero pinili kong tumahimik.
Ang tanging nagawa ko lang.. tumawa. piliting maging masaya kahit puro tanong ang nasa isip ko.
Wala ka bang sasabihin? Kamusta ka na? Kamusta kayo? Masaya ka na siguro? Masaya ka na dapat.
Gusto ko siyang awayin. Yun na lang ang magagawa ko.
Dahil para siyang nagdisappear sa buhay ko. Ginulat niya ko. HAMPAS.
Dahil di niya man lang naalala ang birthday ko. HAMPAS.
Dahil hindi man lang siya nagkwento tungkol sa kanila. HAMPAS.
Dahil ayaw niyang umalis sa isip ko, kahit gusto ko. HAMPAS.
Dahil hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot pag naiisip ko siya. HAMPAS sa sarili ko. Aray.
Baka nga namis ko siya. Baka nga sobra.

No comments:
Post a Comment