Thursday, July 30, 2009

Highschool days.. :) *namis ko 'to*


Nagsimula ang lahat ng mapansin naming wala na kaming ginagawa. Bored na. Laging nakatambay at halatang wala ng nangyayari sa araw-araw naming parusang pagpasok ng maaga at paguwi ng naiinis na sana di ka nalang pumasok. Heaven para sa mga tamad magaral, cool para sa ang habol lang e baon, ka-excite para sa mga gusto lang makatabi ang crush, parusa para sa mga geek, at sa amin... “Evacuation center”.

Nagsimula ang lahat pagkatapos ng exams. Sa wakas! Malapit na kami gumraduate! At ang mga natitirang araw ang magsisilbing “those were the days...” pagtapak namin sa college. College. Kung pwedeng high school nalang sana. Kung pwedeng hindi nalang sana maghiwahiwalay. Pwede nga ba?

May mga natutulog, nagkwekwentuhan na paulit-ulit lang naman, nagtetext, naglalaro, kumakain, nagtatawanan, at mga nakatungangang parang sa sobrang boring e kahit paglinis ng bintana e papatulan na para lang may magawa. Pero dahil sadyang Einstein ang tao sa class namin at dahil na rin sa tawag ng ‘boredom’ e isa-isang naghakot ng appliances nila sa bahay at tinambak sa aming mala-“evacuation center” na room. May nagdala ng ipod, mp3, psp, portable player, chess, cards, at laptop na gagamitin DAW nila para sa thesis. May nagbago ba? Viola! Ang dating “evacuation center” naging instant movie house na ng Korean movies. Ang dating mga nakatunganga lang e siya nang nagtitilian sa mga bida sa pelikula. Einstein talaga!

Siguro kung umuulan lang sa mga sandaling yon e magmumuka na talaga kaming mga pulubing walang matirahan. Gamit ang mga kurtinang ginawang kumot at mga bags na nagsilbing unan, para kaming barangay na walang pondo. Kaya mo ngang bilangin ang mga langgam sa pader. Ganon kasaya ang mga araw namin!

Kung meron mang isang bagay na masaya sa araw namin e ang pagkwekwentuhan sa mga kaibigan. Want to sawa! Tell all you can! Kahit buong araw ka pang dumaldal, walang sisita sa’yo at sasabihan ng “quiet”. Nakisama din talaga ang admin dahil ilang araw nalang din naman magkakahiwalay na kami. Ilang araw na lang, ‘di na kami matatawag na high school students.

Guro1: wala ng ginagawa ang seniors.
Guro2: Oo nga, sige na lang ang kwentuhan at kain sa canteen.
Guro1: okay lang yan para makapagbonding sila.
Guro2: oo nga,aalis na rin naman sila dito sa school.
Magparty dapat tayong teachers! Bwahaha!
Guro1: party?!?!?!?!?!
Guro2: ay sorry.. joke lang yon ma’am.
Guro1: dapat fiesta! BWAHAHAHA! Hooray!

Katakot. Buti nalang mababait ang teachers namin. Naks! Iilan lang ang teachers sa school kaya lahat talaga sila makikilala mo, pero iilan lang yung tunay mong maiintindihan at mamahalin. May mga teachers na nakakatakot na halos magkandarapa na sa pagbalik sa upuan ang mga classmates ko pag malapit na siya dumating. Meron naman yung mababait na kahit harap harapan na ang pagkokopya ng sagot e keri lang. Meron namang bestfriend ng bayan na kahit madalas na siyang pinagtitripan e smile of the day padin. Meron ding parang kinakantahan ka ng ‘lullaby’ pag nagdidiscuss. Kahit siguro lumaklak ka ng drum ng kape e makakatulog ka pa din. Parang gusto mo ng tumayo at humikab sabay sabay sabing “booooring...” with matching walkout sa kanya. Susubukan ko nalang sigurong makipagusap sa bato. Meron namang parang umagang umaga palang e sa amin na binubuhos ang kabadtripan niya sa buhay. At merong din pwede mo ng isulat ang talambuhay niya sa sobrang kakwento. Akala niya siguro may story time kami. May kinaiinisan at merong din laging pinagdadasal na sana clone niya nalang ang ibang teachers.

Lahat sila tinuruan ako, sa kung ano mang paraan ang alam nila. Tungkol man yan sa measure ng angle hanggang sa tamang pagbigkas ng salita. Mula sa pinakamaliit na subatomic particle hanggang sa weeks of pregnancy. Mula sa tamang paghalo ng mixture panggawa ng cookies hanggang sa tamang paghulma ng pangarap ko. Minsan ka lang makakakita ng mga gurong gagabay sa’yo hanggang sa labas ng pahina ng mga libro, mga tipong hindi lang grade ang kayang ibigay sa’yo dahil minsan kung ano pang wala sa libro, yon pang madalas nating naiintidihan. Kung ano pang hindi natin kailangan isaulo, yon pa ang di natin makalimutan. Mayroong mas mahalaga kaysa sa mga maliliit na sulat sa libro. May mas patutunguhan ang maliliit na aral na binibigay sa’yo kaysa sa madugong terms na dinidibdib mo.

No comments:

Post a Comment