Noong musmos pa lamang ako, isang bagay na nagbibigay ng kurba sa musmos kong mga labi ay ang saglit na buhos ng ulan at saglit na pagligo sa malamig na take-out ng langit. Dancing in the rain. Pero ngayong ilang ulan na ang nakapareha ko sa pagsayaw, ilang taon na ang dumagdag sa aking edad, at nabahiran na ng pampula ang aking mga labi, unti-unti nang nawala sa tyempo ang pagsayaw ko. At sa ngayon, ang madramang rainwalk na lamang ang kayang sabayan ng aking mga paa. Rainwalk.
Ito ang ilan sa mga bagay na hindi maintindhan ng iba. Para sa kanila, baliw ka. Pero para sa akin, sila ang baliw. Ano ba ang hindi kayang intindihin sa kapangyarihan ng bawat butil ng ulan na kayang lunurin ang sandaang problema nag isang tao?
Nararamdaman ko ang bawat tusok ng mga matang nakatitig sa akin habang binabaybay ko ang daan pauwi. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa natatanging taong nagpapabasa sa ulan habang ang iba ay parang mga sardinas na nagpupumilit isiksik ang sarili nila para hindi mabasa? Gusto ko sana silang pagtripan at wisikan na parang batang naglalaro sa beach, pero naalala ko na kailangan ko ng umuwi at mukhang wala silang balak maglaro dahil walang naglalaro ng naka-high heels. Nakakatawa silang tingnan kung tutuusin. Sa bawat hakbang, nagkakabanggaan ang mga balikat ng mga sardinas sa aking tabi habang ulan naman ang sa akin.
Sa kaingayan ng Lunes ng gabi, naririnig ko pa din ang bawat talsik ng tubig sa aking bawat hakbang habang minsan naman ay nalulunod na sa ilang butas ng kalsada. Naririnig ko ang mga bulong ng mga taong napapatingin sa akin, bawat isa may kanya-kanyang opinyon at hulang rason. Pero wala man lang isa sa mga iyon ang tama. Sa paglipas ng panahon, natutunan kong mas madaling sabihin na okay ka, kaysa subukang ipaintindi sa iba kung ano ang nangyari... dahil di naman nila maiintindihan. Kung sa bagay, bawat tao naman ay may sariling pananaw at laging may dalawang bersyon ang bawat kwento.
**hindi pa tapos. :) one down.
Thursday, July 30, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment