Eto na. :)
Magsisimula na din ako magblog. In fairness, nainggit ako kay Jamie. Gusto ko din magsulat. :)
Siguro, hindi nga lang madalas. Pero sige na nga, magsusulat na din ako.

First post. At hindi ko alam kung papano. Impromptu writing ata ito? HAHA. :)
Lahat ba isusulat ko? Magugustuhan mo ba? Mababasa mo naman kaya?
Sige, gagamit na ako ng Socratic mode. haha. :)
Bakit nga ba ako nagsusulat?
Nagustuhan kong sumulat simula noong maintindihan ko na hindi ko kayang magsalita. Sa maraming bagay. At sa pagsusulat ko nabubuhos kung ano man ang gustong ilabas ng kulubot at pink kong utak. Actually, madami akong journals. Monthly journals, haha. Walang daily. Nakakatamad kaya 'yun! Bawat pahina, may sariling kwento. Syempre, kwento ko. :) Simple lang, gusto ko lang magsulat.
Bakit gusto kong magsulat?
Kasi 'yon ang isa sa mga bagay na kahit kailan, di matatapos. Sabi nga nila, literature is an enduring expression. (gumaganon? :D) Naramdaman mo na ba yung feeling na babalikan mo yung mga sinulat mo ilang taon na ang nakalipas, tapos makokornihan ka? Tama. Feeling ko, yun talaga ang essence 'non. Yung makornihan ka. Mapangiti. :)
So ngayon, ngingiti na lang ako. haha. Este, magsusulat pala. Bago ngingiti. :)

No comments:
Post a Comment